Ang Farm to market rolling stores ay mag-iikot sa bawat barangay sa lungsod kung saan makakabili ang bawat manileño ng mga sariwang gulay, manok, isda, karne, prutas at iba pa.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, isa itong paraan para hindi na magtungo sa mga palengke ang mga residente bilang pag-iingat na rin upang hindi mahawaan ng COVID-19.
Sinabi pa ng alkalde na mas mura, sariwa at hindi na mahihirapan pa magtungo sa palengke ang publiko kaya’t maaari na lamang silang maghintay at manatili sa kani-kanilang tahanan.
Isasagawa ang launching ng kadiwa rolling stores mamayang alas-7:00 ng umaga sa Lambingan Ferry Station sa tapat ng Thomas Earnshaw Elementary School na sakop ng mga Barangay 896 at 897.
Kasabay din magsisimula ang Kadiwa rolling stores sa J. Posadas Street malapit sa Road 2, Punta, Sta. Ana malapit sa sa Barangay 903 at 905.