Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 86 ang kabuuang kaso (Linggo, April 5 8PM).
Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:
Santa Rosa – 18
San Pedro – 17
Biñan – 10
Calamba – 10
Cabuyao – 5
Los Baños – 5
Majayjay – 3
San Pablo – 3
Santa Cruz – 3
Alaminos – 2
Pila – 2
Bay – 1
Calauan – 1
Liliw – 1
Lumban – 1
Nagcarlan – 1
Paete – 1
Pagsanjan – 1
Victoria – 1
Walo naman na ang nasawi at labintatlo ang naka-recover.
Samantala, umabot na sa 1,061 ang patient under investigation (PUIs) at 5,644 naman ang person under monitoring (PUMs).
Nasa 7,677 naman ang mga PUMs na na-clear na.