Panukalang palawigin pa ang pag-iral ng ECQ dedesisyunan ng IATF ngayong araw

Dedesisyunan ngayong araw, April 6 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung palalawigin ba ang pag-iral ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Cabinet Sec. at IATF Spoksperson Karlo Nograles, may ugnayan na ang Task Force para makabuo ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa rekomendasyon ng Task Force ay si Pangulong Duterte ang magpapasya kung palalawigin pa o hindi na ang ECQ.

Ibabase ang rekomendasyon ng Task Force sa scientific data kaya ng epidemiological trend, health capacity system, social, economic at security concerns.

Read more...