Gutalac, Zamboanga Del Norte niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 100 kilometers Northwest ng bayan ng Gutalac, ala-1:24 madaling araw ng Lunes (April 6).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...