Easterlies, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Nakakaapekto pa rin ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin na magdudulot pa rin ang Easterlies ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Posible namang makaranas ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan ang extreme Northern Luzon kabilang ang Batanes at Babuyan Group of Islands bunsod ng Northeasterly Surface Windflow.

Sinabi pa ni Bulquerin na walang inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Dahil dito, asahan aniya na sa susunod na 24 oras, ‘generally fair weather’ ang mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

Maaari naman aniyang magkaroon ng mga panandaliang pag-ulan lalo na pagdating sa hapon o gabi.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers ang iiral sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Read more...