15-bed field facility itinatayo sa loob ng compound ng QCGH

Nagtatayo ng bed field facility sa loob ng compound ng Quezon City General Hospital para magsilbing isolation at quarantine area sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pasilidad ay mayroong 15 bed capacity.

Nagsagawa ng inspeksyon sa itinatayong pasilidad si Belmonte kasama at ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tiniyak naman ng local government unit na mabilis na matatapos ang pasilidad para magamit ng mga pasyente.

 

 

Read more...