Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 5, nasa 525 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 33 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 344 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 132 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Umakyat naman sa 49 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 215 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 183 kaso, Middle East na may 55 na kaso habang ang Americas naman ay may 72 cases.
READ NEXT
Pangulong Duterte, ido-donate ang isang buwang sahod para sa mga hakbang ng gobyerno vs COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES