Pangulong Duterte, ido-donate ang isang buwang sahod para sa mga hakbang ng gobyerno vs COVID-19

Ido-donate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang isang buwang sahod para ipang-ayuda sa mga programang kontra sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pakiiisa ito ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na nag-donate ng kani-kanilang sweldo.

“The President is likewise donating his one month salary for the cause,” pahayag ni Panelo.

Nasa P400,000 ang buwanang sweldo ng Pangulo.

Ayon kay Panelo, ido-donate din niya ang 75 porsyento ng kanyang buwang sweldo simula sa Abril hanggang Disyembre.

Nasa P260,000 ang buwanang sweldo ng isang Cabinet secretary.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na magdo-donate na rin ang Assistant Secretaries na nakatalaga sa Office of the Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman ng 10 porsyento ng kanilang sahod sa Abril sa Office of Civil Defense.

Ipagpapatuloy din aniya ng Assistant Secretaries ang pagbibigay ng naturang halaga sa mga susunod na buwan sa iba’t ibang grupo na nasa frontlines.

Read more...