Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang larawan ng pagdating ng medical experts sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinalubong ni Sec. Teodoro Locsin Jr. ang 10 medical experts at dalawang opisyal mula sa China.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na tutulong ang medical experts para ibahagi ang technical advice para maiwasan at ma-control ang COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, tinanggap din ni Locsin ang bagong donasyon mula sa China para makatulong sa paglaban sa COVID-19.
Kabilang sa donasyon ang non-invasive ventilators, personal protective equipment (PPE) at masks.
MOST READ
LATEST STORIES