Bilang ng nahuling home quarantine violator sa Navotas City, umabot na sa 587

Nasa 21 ang nahuli ng mga otoridad sa Navotas City dahil sa paglabag sa home quarantine sa magdamag.

Naitala ang mga nahuling home quarantine violator mula April 4 hanggang 5 bandang 6:00, Linggo ng umaga.

Sa kabuuan, umabot na sa 587 ang nahuling home quarantine violator sa Navotas.

Maliban dito, 10 pang menor de edad ang nahuli sa lungsod sa magdamag.

Dahil dito, umabot na sa 210 ang kabuuang bilang ng nahuhuling menor de edad na lumabag sa home quarantine.

Read more...