Ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez Jr., natapos na kasi ang pag-aayos sa Rizal Memorial Sports Complex.
“The Rizal Memorial Complex will be operationalized by Monday. We will inspect it and ensure the quality of its facilities. The Philippine General Hospital will then transfer its COVID-19 positive asymptomatic and symptomatic patients on Tuesday (April 7),” pahayag ni Galvez.
Ang Rizal Memorial Sports Complex naman ay mayroong 600 bed capacity at inayos ng PRIME – BMD o ng Razon Group.
Sa April 10 ang orihinal na opening ng Rizal Memorial Sports Complex.
“Our strategy is to transfer patients with mild COVID-19 symptoms. It will also be manned by three doctors and 50 nurses from the Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police medical services,” pahayag ni Galvez.
Nabatid na ang Rizal Memorial Sports Complex ay airconditioned ang mga cubicle, may libreng pagkain para sa mga pasyente at frontliners, libreng internet connection, at 24/7 monitoring ng AFP at PNP doctors at nurse.
Bukod sa Rizal Memorial Sports Complex, inihahanda na rin ngayon ng pamahalaan ang World Trade Center, Philippine International Convention Center sa Pasay City at iba pang malalaking pasilidad bilang quarantine area para sa mga COVID-19 na pasyente.