Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 49 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 10:39 ng umaga.

126 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa lugar ang lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...