COVID-19 cases sa Laguna, umakyat na sa 75

Umakyat na sa 75 ang bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan ng Laguna.

Batay sa abiso ng Laguna Provincial Health Office hanggang 8:00, Linggo ng umaga (April 5), pinakamaraming naitalang kaso sa Sta. Rosa na may 17.

Sumunod dito ang San Pedro na mayroong 15 cases.

Narito naman ang bilang ng kaso ng virus sa mga sumusunod pang lugar:
– Biñan – 10
– Calamba – 10
– Los Baños – 5
– Cabuyao – 3
– Majayjay – 3
– Pila – 2
– San Pablo – 2
– Sta. Cruz – 2
– Alaminos – 1
– Bay – 1
– Calauan – 1
– Lumban – 1
– Nagcarlan – 1
– Victoria – 1

Samantala, 1,061 naman ang naitalang patients under investigation (PUIs).

5,644 ang ongoing persons under monitoring (PUMs) habang 7,677 ang cleared na.

Nasa 13 pasyente naman ang gumaling na mula sa sakit sa Laguna habang pito ang nasawi.

Read more...