Sa memorandum order na nilagdaan ni BARMM Minister of Health Dr. Saffrullah Dipatuan, nakasaad dito na P20,000 kada buwan ang inilaan ng kanyang tanggapan para sa operational expenses ng bawat Rural Health Unit sa BARMM.
Ayon kay Minister Dipatuan, mahalagang mabigyan ng pondo ang RHUs dahil sila ang pangunahing naghahatid ng basic health services sa itinuturing na grassroots communities.
Ang RHUs anila ang nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan kung saan ito inirereport naman nila ang kanilang outputs at pinagsasama sa provincial, regional at, national level.
Ayon pa kay Dr. Dipatuan , makatwiran lamang na bigyan ng kaukulang pondo ang RHUs na kanilang pangtustos sa maintenance ng kanilang operasyon lalo nat sila ay nagbibigay ng outputs
na siyang kino-consolidated sa provincial, regional at national level bilang achievements.
Obligado naman ang bawat RHU na mag-liquidate ng nasabing alokasyon base sa Accounting and auditing rules and regulations.