Inaasahang darating ang 12 Chinese medical experts sa Pilipinas sa araw ng Linggo, April 5.
Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa 12 Chinese medical experts ay mga doktor at nurse.
Mag-oobserba aniya ang mga Chinese expert at saka magbibigay ng rekomendasyon na angkop sa mga hakbang upang mapagbuti ang infection prevention and control, critical care sa mga laboratoryo.
Bibisitahin aniya ng mga eksperto ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), San Lazaro Hospital at sa Lung Center of the Philippines.
Sinabi naman ni Vergeire na mananatili sa Pilipinas ang mga Chinese medical expert hanggang April 19.
MOST READ
LATEST STORIES