LOOK: Mga gulay mula Benguet, inihanda para sa frontliners sa Pasig City

Inihanda ang mga gulay mula sa Benguet para sa frontliners sa Pasig City.

Sa Twitter, sinabi ni Mayor Vico Sotto na gagamitin ang mga gulay sa Community Kitchen kung saan nasa 3,000 frontliners ang bibigyan ng pagkain.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ang ibinigay na mga gulay ni Ang Probinsyano partylist Rep. Ronnie Ong dahil kulang ang suplay ng gulay sa mga palengke.

Malaking tulong din aniya ito para sa mga magsasaka sa Benguet.

Ipinarating din ng alkalde ang kaniyang paghanga sa sakripisyo ng mga nagluluto at naghahanda ng pagkain para sa frontliners.

Dagdag pa nito, sa tulong ng mga ito, mas makakatiyak na malinis at masustansiyang pagkain ang naihahatid sa mga frontliner sa lungsod.

Read more...