Olongapo City, mayroon nang dalawang kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng Olongapo COVID-19 Task Force, sa pangunguna ni Mayor Rolen Paulino Jr. na dalawa na ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa abiso, ang ikalawang kaso ay isang 45-anyos na lalaking Filipino at unang napabilang sa listahan ng mga person under investigation (PUI).

Sa ngayon, sinabi ng Olongapo City government na stable ang kondisyon ng pasyente at naka-isolate sa isang pagamutan sa lugar.

Nagsasagawa na ang Olongapo City Health Office ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha nito.

Kasunod nito, muling inabisuhan ang mga residente na sumunod sa ipinatutupad na home quarantine at proper social distancing measures.

Read more...