Sweldo sa Mayo, ido-donate ng higit 200 kongresista para sa COVID-19

Mahigit 200 kongresista ang magdo-donate ng kanilang isang buwang sweldo sa Mayo para sa mga ikinakasang hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19.

Sa Facebook video, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na P50 milyon ang kanilang inisyal na target na malikom.

Sinabi pa ni Cayetano na pagkatapos ng Defeat COVID-19 Committee hearing sa Miyerkules, April 8, pag-uusapan na rin kung saan mas kailangang ilaan ang maiipong donasyon.

“So we want to use the money where it will be most effective.,” paliwanag pa nito.

Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na ang kanilang buong sweldo pa lamang sa Mayo ang pagkasunduan ng mga kongresista.

Kung umabot pa aniya sa buwan ng Hunyo, magsasagawa sila ng second call para sa panibagong donasyon.

Read more...