Valenzuela City, nakapagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19; Kabuuang bilang sa lugar, nasa 19 na

Nadagdagan ng anim na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Valenzuela City.

Sa datos ng Valenzuela City Health Office hanggang April 4, umakyat na sa 19 ang total COVID-19 cases sa lugar.

Ang anim na pasyente ay naka-confine sa iba’t ibang ospital sa labas ng Valenzuela City.

Tiniyak ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga posibleng naging close contact ng mga pasyente.

Sakaling nakakaranas ng sintomas ng sakit, may travel history o exposure sa posibleng apektado ng virus, maaaring tumawag ang mga residente sa lugar sa 8352-5000.

Read more...