BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 3,094

Patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng tinatamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (April 4), pumalo na sa 3,094 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

76 ang napaulat na panibagong kaso ng virus sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, limang pasyente ang naitalang gumaling o naka-recover sa COVID-19 sa bansa dahilan para umabot ang total recoveries sa 57.

Walong pasyente naman ang pumanaw bunsod ng sakit sa magdamag.

Dahil dito, umabot na sa 144 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Read more...