DILG, ipinag-utos sa PNP na siguraduhin ang seguridad ng healthcare workers

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhin ang seguridad ng healthcare workers na nagsisilbing frontliners sa banta ng COVID-19.

Ito ay matapos mabaril ang drayber ng ambulansya na si Sofronio Ramilo ng Peter Paul Medical Center of Candelaria Inc. sa Quezon province.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat tutukan ng PNP ang mga ospital ay klinika.

Maliban dito, dapat dagdagan ang police visibility sa lahat ng komunidad para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga frontliner sa bansa.

Maliban dito, naglabas din ng direktiba ang kalihim sa mga local government unit (LGU) na maglabas ng beripikadong impormasyon ukol sa COVID-19 para maiwasan ang kalituhan at harassment sa publiko.

Read more...