Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan 123 na

Mayroon nang 123 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan.

Sa nasabing bilang, 23 ang pumanaw na at 27 ang naka-recover na sa sakit at nakalabas na ng ospital.

Mayroon namang 33 pa ang naka-admit sa pagamutan at 35 ang sa bahay nagpapagaling.

Sa datos ng lokal na pamahalaan mayroon ding 59 na Persons under Investigation (PUIs) sa San Juan at 406 na persons under monitoring (PUMs).

Ang Barangay Greenhils ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa San Juan na mayroong 26 cases.

Habang 15 naman ang kaso sa Barangay West Crame at 13 ang kaso sa Barangay Sta. Lucia.

Read more...