Kumpiyansa din ang DOH na pagsapit ng April 14 ay kaya nang makagawa ng 3,000 COVID-19 test per day sa mga accredited na laboratoryo.
Sa ngayon sinabi ni Special Assistant to DOH Secretary Beverly Ho ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay nakakapag-proseso ng 1,000 tests kada araw.
At sa mga susunod na araw ay tataas pa sa 2,000 tests per day ang capacity nito.
Ang mga sub-national laboratories naman ay nakakapagproseso sa ngayon ng 500 tests a day.
May mga sinasanay na ring dagdag na medical technologists para madagdagan ang manpower sa mga sub-national laboratories.
Sa mass testing na nakatakdang simulan ng DOH, prayoridad ang mga higit na nangangailangang masuri.