Ayon sa namumuno sa Senado ang lahat ng pamilya ay mabibigyan ng aplikasyon para sa Social Amelioration Card (SAC), na magiging basehan nang pagtanggap ng P5,000 hanggang P8,000 tulong pinansiyal.
Aniya ang application form ay ipamamahagi ng mga opisyal ng barangay sa bawat bahay at sa kanila rin ito ibabalik.
Ang DSWD naman ang magba-validate ng aplikasyon at tanging ang kagawaran rin lang ang magbibigay ng tulong pinansiyal.
Sinabi pa ni Sotto na magkakaiba ang ibibigay na tulong pinansiyal dahil ito ay nakadepende sa ipinatutupad na minimum daily wage sa bawat rehiyon.
Idinagdag pa nito ang application form ay libre ay wala dapat sisingilin ang barangay.