Kasabay nito, pinuri ni Go ang DOH sa gagawin pag-test sa mga health and medical workers.
Naniniwala ang senador na ang mass testing ay mabisang paraan para mapigilan na ang pagkalat pa ng nakakamatay na sakit.
Ayon kay Go, ang mga medical frontliners ay talagang exposed at sila ang madaling mahawa kaya’t dapat ay agad malaman kung taglay na rin nila ang sakit o hindi pa.
Sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Health bumili na ng maraming testing kits ang gobyerno para sa mga health workers, PUIs at PUMs.
Una nang nagluwag ang Food and Drug Administration (FDA) sa proseso ng pagbibigay ng accreditation sa mga testing kits.
Pinamamadali na rin ni Go ang pagbibigay ng personal protective equipment o PPE sa mga frontliners para sila ay magkaroon ng proteksyon laban sa virus.