Grab, Lalamove drivers huli sa overpriced thermal scanners

Inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang isang driver ng Grab at isang driver ng Lalamove dahil sa pagbebenta ng overpriced na thermal scanners sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang naaresto na sina Ladis Malinao, 27, isang Grab driver at Jeffrey Purisima, 37, na driver naman ng Lalamove.

Kinumpiska sa kanila ang 350 units ng Konquest thermal scanner na kanilang ibinebenta ng P4,000 bawat isa, ngunit ang halaga nito ay P599 hanggang P3,400 lang.

Nakuha din sa pag-iingat ng dalawa ang 10 galon ng alcohol na walang tatak, na hinihinalang ipinagbibili na higit din sa presyo na itinakda ng Department of Trade.

Sa Cebu City, inaresto din sina Manuelito Chan at Joseph Ryan Go ng mga tauhan din CIDG sa isang entrapment operation.

Nakuha sa kanila ang 79 units ng thermal at non-contact scanner na kanilang ipinagbibili sa halagang P7,280 bawat isa.

Read more...