BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng 385 sa magdamag; total number of cases 3,018 na

Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ng 385 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) umabot na sa 3,018 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 as of 4:00PM ng Biyernes, Apr. 3.

Nakapagtala din ng 29 na panibagong nasawi, umakyat na sa 136 ang COVID-19 death toll sa bansa.

May isa namang nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya 53 na ang naka-recover sa sakit.

Read more...