10 pang pasilidad ico-convert bilang quarantine facilities

Maliban sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls, World Trade Center (WTC) sa Pasay at Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex, sampu pang pasilidad ang ico-convert ng pamahalaan bilang quarantine facilities.

Sinabi ito ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar.

Ayon kay Villar ang mga pasilidad na gagamitin bilang quarantine facilities ay ang mga sumusunod:

1. Amoranto Stadium
2. Quezon Institute
3. Dutyfree
4. FTI
5. Filinvest Tent
6. PhilSports Complex
7. Quezon City Circle
8. Veterans Memorial Circle
9. New Clark City Government Center
10. New Clark City Athlete’s Village

Una nang sinabi rin ng Bases Conversation and Development Authority (BCDA) na ang Philippine Arena sa Bulacan ay gagawing “mega quarantine facility”.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang proseso ng conversion sa PICC, Ninoy Aquino Stadium at World Trade Center.

Sa susunod na linggo ay inaasahang operational na ang Ninoy Aquino Stadium.

Read more...