Valenzuela City bumili ng sariling COVID testing kits

Katuwang ang The Medical City makapagsasagawa na ng sariling test sa COVID-19 ang Valenzuela City.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, bumili ang lokal na pamahalaan ng sariling PCR testing kits.

Ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang magsasagawa ng pagkuha ng nasal at oral swab samples mula sa mga pasyente.

Sa niladaang kasunduan sa The Medical City, ang mga samples ay dadalhin sa ospital at ito ang magpoproseso ng samples para sa resulta.

Sa sandaling lumabas ang resulta ay agad itong ipagbibgay-alam sa City Government ng Valenzuela.

Ani Gatchalian, sa ngayon inaantay na lang ng The Medical City ang kanilang lab accreditation mula sa DOH.

Nasa Stage 4 na kasi ang The Medical City sa kakayahan sa pag-test sa COVID-19 at isang hakbang na lang ay maaaprubahan na sila bilang accredited COVID testing facility.

Sinabi ni Gatchalian na ito ang unang Public Private Partnership (PPP) para sa mass testing sa COVID-19.

Excerpt:

Read more...