Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na marami ang bumatikos sa shoot to kill order ni Pangulong Duterte sa PNP sa mga magtatangka pang manggulo habang ang bansa ay nahaharap sa krisis sa COVID-19.
Sinabi ni Panelo na pinapayagan sa ilalim ng batas ang paggamit ng “lethal violence” kapag ang buhay ng otoridad ay nalalagay sa balag ng alanganin.
Ani Panelo sa ilalim ng Section 18, Article 12 ng Saligang Batas, ang pangulo ay may mandato na ipanawagan sa law enforcers ang pag-prevent o pagsawata sa lawless violence.
Sa paglalabas aniya ng babala sa sinumang magra-riot ay pinapaalalahan lamang sila ng pangulo na handa ang gobyerno na na gawin ang lahat para maawat ang anumang unrest at disturbance na maaring magdulot ng banta sa seguridad ng publiko lalo’t ngayong mayroong national emergency.