PPEs mula sa OVP dumating na sa Cebu at GenSan

Tuloy ang pagpapadala ng tulong ni Vice President Leni Robredo sa mga frontliner sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ngayong araw, dumating dumating sa Cebu at General Santos City ang mga Personal Protective Equipment (PPE) lulan ng Cebu Pacific Air.

Ngayon linggo nakapaghatid na ng PPEs mula sa Office of the Vice President sa Samar, Iloilo, Capiz, Antique, Aklan, Cagayan de Oro, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Oriental at Misamis Occidental.

Ngayong araw hanggang bukas mayroon pang ide-deliver sa sumusunod na lugar:

1. Negros Oriental
2. Negros Occidental
4. Davao
5. Cotabato
6. Zamboanga
7. Basilan
8. Sulo
9. Tawi Tawi

Ngayong Linggo may hahatiran din ng PPEs sa Luzon.

Read more...