Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 32 kilometers Southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-11:24 umaga ng Biyernes (April 3).

May lalim na 39 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...