Pulis pumanaw dahil sa COVID-19

Isang pulis na dinapuan ng sakit na COVID-19 ang pumanaw na.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police Chief, Gen. Archie Gamboa.

Hindi naman na nagbigay ng detalye tungkol sa pumanaw na pulis si Gamboa.

Ayon sa huling datos ng PNP, mayroong 13 pulis na positibo sa COVID-19.

Mayroon ding 182 na pulis na PUIs at 1,545 ang PUMs.

Ginagamit ang Kiangan Billeting Center sa loob ng Camp Crame bilang quarantine facility sa mga pulis na sumasailalim sa self-quarantine.

Bilang hakbang ayon kay Gamboa, ang mga pulis na edad 46 pataas ay hindi na nila isinasabak sa control points para hindi sila malantad sa sakit.

 

Read more...