Isang oras na nagsagawa ng online concert si Salonga para sa Bayanihan Musikahan na layong makalikom ng pondo para sa frontliners na tumutulong sa pagsugpo ng COVID-19.
Sa unang sampung minuto pa lamang ng kaniyang Facebook live concert ay umabot na sa P113,000 na agad ang nalikom.
Kinanta ni Salonga ang mga OPM song at musical songs.
Pinasalamatan ni Salonga si Ryan Cayabyab na siyang nasa likod ng Bayanihan Musikahan tampok ang mga performer sa bansa.
Mula nang umpisahan ang Bayanihan Musikahan ay umabot na sa P22,373,178 ang nalikom na pondo.
Ngayong gabi ng Biyernes (Apr. 3) kabilang sa mga magpe-perform sina Lance Busa, Agot Isidro, Christian Bautista at TJ Montrde.