Bagong chopper ng coast guard nagagamit nang panghatid ng medical supplies at PPEs

Nagagamit na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bago nitong H145 light twin engine helicopter na mula sa Gernmany.

Ginamit ang bagong chopper sa paghahatid ng medical supplies at personal protective equipment (PPEs) para sa frontliners sa PCG District Northern Mindanao.

Ayon sa Coast Guard, magpapatuloy ang kanilang paghahatid ng medical supplies, PPEs at iba pang pangangailangan para sa pagtugon ng bansa krisis sa COVID-19.

Read more...