COVID-19 death toll sa Italy mahigit 13,000 na; mahigit 10,000 pumanaw naman sa Spain

Nakapagtala na ng 13,915 na nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Nananatili ang Italy bilang bansang may pinakamaraming nasawi sa sakit.

Nasa 12 percent ang mortality rate ng Italy kung pagbabasehan ang bilang ng kanilang naitatalang kaso at bilang ng mga nasasawi.

Ang Spain naman ay nakapagtala na ng 10,348 na nasawi sa COVID-19.

Narito ang sampu pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na death toll.

USA – 6,070
France – 5,387
China – 3,318
Iran – 3,160
UK – 2,921
Netherlands – 1,339
Germany – 1,107
Belgium – 1,011
Switzerland – 536
Turkey – 356

Read more...