Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kailangang apurahin ang paggawa ng health care facilities para sa tumataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 upang mapaluwag ang mga nagsisiksikang ospital sa Metro Manila at mailaan ang mga hospital bed para sa malalalang kaso.
Paglalarawan pa ng kalihim sa sitwasyon kailangang makipag-unahan sa oras ang ahensiya, at tiniyak na tatapusin ang health facilities sa loob ng sampung araw kung saan ay 24/7 ang pagtratrabaho.
Bukod sa PICC, on-going na ang trabaho sa Rizal Memorial Coliseum at sa World Trade Center.
Katuwang ng DPWH sa pagtatayo ng covid facilities ang pribadong sektor sa pangunguna ng EEI Construction, Razon Group, Ayala Group at Villar group.