LOOK: 200 litro ng disinfectant alcohol natanggap ng SPD mula San Miguel Corporation

Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng libreng disinfectant alcohol ng San Miguel Corporation (SMC).

Sampung containers ng alcohol na gawa ng Ginebra San Miguel ang natanggap ng Southern Police District (SPD).

Bawat container ay may lamang 20 litro ng disinfectant alcohol.

Tuloy din ang pagde-deliver ng alcohol ng San Miguel sa mga ospital.

Kabilang sa nakatanggap ng mga container ng alcohol mula SMC ang Sta. Cruz Laguna Polymedic Hospital.

Una rito sinabi ni SMC President at CEO Ramon Ang na nagpasya silang lumikha ng disinfectant alcohol para maipamahagi sa mga pagamutan at iba pang frontliners sa pagtugon sa COVID-19.

Read more...