Medical frontliners libreng makakapagpa-gas sa Total Philippines

Simula ngayong araw, April 3 libre nang makakapagpa-karga ng gasoline sa iba’t ibang mga branch ng Total Philippines ang mga medical frontliner.

Sa abiso ng naturang kumpanya ito ay pasasalamat nila sa serbisyo at dedikasyon na ibinibigay ng medical frontliners ngayong nilalalaban ng bansa ang outbreak ng COVID-19.

Araw-araw ang unang 30 medical frontliners na magpapa-gas sa mga piling branch ay libre ang hanggang P300 na halaga ng fuel bawat customer.

Ito ay para sa cars, vans, motorcycles at iba pang uri ng sasakyan ng mga frontliner habang hanggang P1,000 kada araw naman ang libre para sa DOTr-accredited shuttle buses na naghahatid ng frontliners.

Kailangang lamang magpakita ng valid ID para mai-avail ang libreng gas.

Tatagal ang offer hanggang sa April 17, 2020.

Narito ang mga gasoline station ng Total na magbibigay ng libreng gas:

• TOTAL Alabang, Filinvest Corporate City, Muntinlupa City
• TOTAL NAIA, Tambo, Paranaque City
• TOTAL EDSA Pasay, Malibay, Pasay City
• TOTAL C5 Pasig, Bagong Ilog, Pasig City
• TOTAL Greenhills, Ortigas Ave., San Juan
• TOTAL R. Magsaysay, Sta. Mesa, Manila
• TOTAL JP Rizal, Malanday, Marikina City
• TOTAL Marcos Hi-way, Mayamot, Antipolo City, Rizal
• TOTAL Valenzuela, Karuhatan, Valenzuela City
• TOTAL Mindanao Ave., Bagong Pag-asa, Quezon City
• TOTAL Commonwealth, Matandang Balara, Quezon City
• TOTAL Tuguegarao 1 , Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan
• TOTAL Rioeng, Laoag City, Ilocos Norte
• TOTAL Abanao , Kisad Rd, Baguio City
• TOTAL Cabcaben Hi-way, Mariveles, Bataan
• TOTAL San Fernando, Dolores, San Fernando City, Pampanga
• TOTAL San Jose Del Monte, Gov Fortunato Halili Rd, SJDM, Bulacan
• TOTAL San Pedro Palawan, Puerto Princesa, Palawan
• FBT – San Agustin, San Agustin, Romblon
• FBT- San Angel, San Jose de Buenavista, Antique
• TOTAL Bata-Pepsi, Bacolod City, Negros Occidental
• TOTAL Looc, Dumaguete City, Negros Oriental
• TOTAL Tagbilaran, Tagbilaran City, Bohol

Read more...