COVID-19 cases sa Caloocan, umakyat na sa 37

Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 sa Caloocan City.

Sa datos ng Caloocan Health Department hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 2), nasa 37 na ang confirmed COVID-19 patients sa lugar.

218 naman ang napaulat na persons under investigation habang 428 ang persons under monitoring.

Base pa sa datos, apat na pasyente sa lugar ang nakarekober na sa nasabing virus.

Tiniyak ng Caloocan City government na lahat ng kaso ng COVID-19 ay mahigpit na binabantayan.

Read more...