Dalawang Pinoy sa Hong Kong, nakarekober na sa COVID-19

Nakarekober na mula sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang dalawang Filipino sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, kinumpirma ng Hong Kong Health Department na nakalabas na ng ospital ang dalawang Filipino.

Dahil dito, bumaba na sa 17 ang bilang COVID-19 positive patients na Pinoy sa nasabing bansa.

Sinabi ng konsulado na patuloy pang nagpapagaling ang siyam na babae at walong lalaking Pinoy sa Hong Kong.

Muli namang umapela ang konsulado sa mga Filipino sa Hong Kong na manatili na lamang sa bahay at huwag nang lumabas kung hindi naman kailangan.

Kung lalabas, iwasan anila ang matataong lugar at sundin ang social distancing.

Read more...