Mandaluyong City, nakapagtala na ng 73 na kaso ng COVID-19

Nakapagtala na ng 73 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (April 2), 202 ang persons under investigation sa lungsod kung saan 28 ang cleared na.

Nasa 342 naman ang persons under monitoring kung saan 158 ang cleared na.

Samantala, limang pasyente sa lungsod ang nakarekober sa nakakahawang sakit habang 15 ang na-discharge na sa ospital.

Walo naman ang COVID 19-related deaths sa Mandaluyong City.

Read more...