Siyam na COVID-19 cases, naitala sa Malabon

Nasa siyam na ang COVID-19 positive cases sa Malabon.

Sa datos ng pamahalaang lungsod ng Malabon hanggang April 2, 57 ang napaulat na persons under investigation (PUI).

Sa nasabing bilang 45 ang nakasailalim sa home quarantine habang 12 ang nakakumpleto na ng quarantine.

310 naman ang naitalang persons under monitoring (PUMs) kung saan 88 ang nakasailalim sa 14-day quarantine at 222 ang nakakumpleto na ng quarantine.

Samantala, isang pasyente sa lugar ang nakarekober sa COVID-19 habang tatlo ang nasawi.

Read more...