Mandatory testing para sa uuwing OFWs, dapat isagawa para maiwasan ang second wave ng COVID-19

INQUIRER FILE

Pinaghahanda ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang gobyerno sa inaasahang pagdating ng halos 420,000 overseas Filipino workers sa mga susunod na buwan o pagkatapos ng peak ng coronavirus health emergency sa Pilipinas.

Ito’y para maiwasan ang second wave ng impeksyon na maaaring idulot ng mga magmumula sa mga bansang pinaka-apektado ng COVID-19.

Kaya naman mungkahi ni Salceda, maglaan ng P20 bilyon mula sa pondo ng Bayanihan Act para sa mga programa ng OWWA at DOLE sa OFWs.

Ipinaliwanag ng kongresista na isa sa malaking epekto ng COVID-19 crisis na makasisira sa ekonomiya ay ang pagkawala ng kita at remittances na halos $5 bilyon kada taon.

Maaari aniya itong abutin ng dalawa hanggang tatlong buwan bago maibalik sa normal at kabilang ang Pilipinas sa tatamaan dahil karamihan sa
best-paid OFWs ay sea-based, at umaasa sa tourism and global trade.

Tinaya nito sa 230,000 hanggang 250,000 OFWs ang posibleng mawalan ng trabaho habang nasa 170,000 hanggang 180,000 ang uuwi muna pansamantala at saka lang pababalikin sa kanilang trabaho kapag humupa na ang krisis.

Read more...