Northeasterly Surface Windflow, Easterlies umiiral pa rin sa bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies at Northeasterly Surface Windflow sa bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na umiiral ang Northeasterly Surface Windflow sa dulong Hilagang bahagi ng bansa.

Magdudulot naman ang Easterlies ng mainit at maalinsangang panahon sa Silangang bahagi ng bansa.

Wala naman aniyang inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...