San Juan City Kalinga Kontra Korona Center, bukas na

Binuksan na ang San Juan City Kalinga Kontra Korona Center (Kalinga Center), araw ng Huwebes (April 2).

Ayon kay Mayor Francis Zamora, maaaring pumunta sa Kalinga Center ang mga person under investigation (PUI) na mayroong mild symptoms ng COVID-19 para mabigyan ng atensyong medikal.

Sakaling makaranas ng sintomas ng sakit, agad aniyang mag-self isolation mula sa mga kasama sa bahay at tumawag sa BHERT sa barangay o San Juan City Health Office para maihatid sa 100-bed isolation facility.

Layon nitong maiwasan ang pagkalat pa ng virus sa lungsod.

Matatagpuan ito ang bagong building ng San Juan City Science High School sa bahagi ng Pinaglabanan Street sa lungsod.

Read more...