COVID-19 cases sa San Juan City, pumalo na sa 114; 18 na ang nasawi

Umakyat na sa 114 ang bilang ng COVID-19 positive patients sa San Juan City.

Batay sa San Juan COVID-19 update hanggang 11:00, Huwebes ng umaga, April 2, nasa 32 ang naka-confine sa mga pagamutan habang 38 ang nakasailalim sa home quarantine.

152 naman ang naitalang patients under investigation at 382 ang persons under monitoing.

Sinabi pa ng lokal na pamahalaan ng San Juan City na limang pasyente ang naka-recover sa sakit at 21 ang na-discharge na.

Samantala, 18 ang nasawi sa lungsod dahil sa virus.

Read more...