Sa inilabas na executive order no. 23, iiral ang ECQ simula 9:00, Sabado ng gabi hanggang 11:59 ng gabi ng April 19.
Layon nitong mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa lugar.
Nakasaad na EO na posibleng palawigin pa o mapaigsi ang implementasyon depende sa sitwasyon sa Davao City.
Sa ilalim nito, ‘work from home’ na ang lahat ng government offices sa Davao City at babawasan ang papapasuking empleyado sa opisina. Full operation naman ang mga nagtatrabaho na sakop ng security, health, social services, sanitation at disaster.
Sarado rin ang lahat ng private establishments at opisina maliban lamang sa groceries, supermarkets, palengke, manufacturing, food delivvery services, wholesale food outlet, convenience stores, sari-sari stores, hospitals, medical laboratories, drugstores, bangko at iba pa.
Tigil-operasyon din ang lahat ng jeep maliban sa mga kukunin para magtrabaho sa Davao City gov’t, opisina at negosyo na bukas sa kasagsagan ng ECQ.
Papayagan din ang mga sumusunod na transportasyon:
– Private vehicle at taxi na may isang driver at isang pasahero sa harap at likod
– Tricycle na may isang driver at isang pasahero sa harap at likod
– Single rider motorcycle o bike
– Free bus ride ng gobyerno
Lahat ng tao na sa kalsada ay kailangan magprisinta ng employee ID o food and medicine pass na may valid ID.
Ipagbabawal din ang pagbebenta at pag-inom ng alak mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng umaga.
Magkakaroon din ng curfew hours mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw kung saan bawal lumabas ng bahay ang mga tao.