Sipalay City, Negros Occidental niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 37 kilometers Northwest ng bayan ng Sipalay City, alas-2:42 hapon ng Huwebes (April 2).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – Sipalay City, Negros Occidental
Intensity II – Bago City, Negros Occidental

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...