Panibagong COVID-19 case naitala sa San Pedro, Laguna

Naitala ang isa pang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Mayor Lourdes Cataquiz, kinumpirma ng San Pedro City Health Office na nagpositibo sa virus ang isang 26-anyos na lalaki mula sa Barangay San Antonio.

Dahil dito, nasa 12 na ang kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing lugar.

Patuloy naman ang paalala sa mga residente sa San Pedro na manatili sa tahanan para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Read more...